Tuesday, July 21, 2026

SONA ni PBBM, walang A-list celebrity performers; magiging simple pero marangal ayon sa Malacañang

Walang A-list celebrities, sikat na direktor, o engrandeng palabas sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sinadya ng Palasyo na gawing simple ngunit marangal ang taunang programa kaya wala ring mga celebrity performer na magtatanghal sa okasyon.

Ang House of Representatives ang mangangasiwa sa SONA, habang nakaalinsunod ang Office of the President sa layuning panatilihing payak ang pagdaraos nito.

Samantala, hindi muna ibinahagi ng Malacañang kung sino ang aawit ng pambansang awit.

May napili na umano ang pangulo, ngunit nais muna itong panatilihing lihim upang maging sorpresa sa araw ng SONA.

Facebook Comments