Tuesday, May 26, 2026

Kakulangan sa supply ng kuryente, sanhi ng naranasang rotational brownouts sa bansa

Sa tingin ni Murang Kuryente Partylist Rep. Arthur Yap, ang kakulangan ng supply ng kuryente ang sanhi ng naranasang rotational brownouts sa bansa.

Sa joint hearing ng House Committees on Energy at House on Legislative Franchises ay ipinunto ni Yap na kung sobra ang suplay ng kuryente ay tiyak na hindi magkakaroon ng rotational brownouts.

Kaya naman tanong ni Yap, bakit pinupuntirya ang late report ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung ang isyu ay may kinalaman sa “supply and demand” kung saan malinaw na kulang ang generating capacity sa sektor ng enerhiya.

Sa pagdinig ay sinabi din ni Energy Undersecretary Mario Marasigan na regular silang nakatatanggap ng abiso at notifications mula sa NGCP hinggil sa mga insidente na nakakaapekto sa mga grid.

Facebook Comments