
Paalis na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Japan para sa state visit nito mula May 26 hanggang 29.
Bago mag-ala una ng hapon ang nakatakdang pag-alis ni Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Marcos dito sa Villamor Airbase, Pasay City.
Pagdating ng pangulo sa Japan mamayang gabi, agad nitong bibisitahin ang Filipino community.
Pangunahing agenda ng pangulo sa Japan ang pagpapalakas ng kooperasyon sa energy security sa gitna ng pangamba sa suplay ng enerhiya sa rehiyon.
Ayon sa pangulo nais pang palawakin ng Pilipinas ang pakikipagtulungan sa Japan sa usapin ng fuel at power supply.
Mahalaga ang pagtutulungan ng Pilipinas, Japan at ASEAN para mapalawak ang renewable energy at mabawasan ang problema sa oil supply.
Bago bumiyahe, magtatalaga rin ang pangulo ng gabinete na mamamahala sa bansa habang siya ay nasa Japan.










