Tuesday, June 2, 2026

Pinatalsik na si Rep. Barzaga, walang pinagsisihan sa kanyang mga ginawa

Tanggap ni dating Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang pagpatalsik sa kanya bilang miyembro ng House of Representatives.

Ayon kay Barzaga, may mga nagpapayo na kwestyunin nya sa Supreme Court ang pagsipa sa kanya sa Kamara pero sa ngayon wala pa daw siyang planong gawin ito.

Ayon kay Barzaga, wala syang pinagsisihan sa kanyang mga ginawa at sinabi laban sa mga kapwa mambabatas na tinawag nyang mga buwaya at sa kamara na tinawag nyang crocodile farm at isang corrupt institution.

Naniniwala si Barzaga na may kinalaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsipa sa kanya sa Kamara kung saan binigyan umano ng insentibo ang mga bumoto pabor sa kaniyang expulsion.

Tiwala naman si Barzaga na makaka-survive siya kahit wala sa politika dahil maayos naman ang lagay ng kaniyang pamilya.

Binanggit ni Barzaga na magbabakasyon muna sya at bukas din siya na pumasok sa showbiz.

Facebook Comments