Friday, May 22, 2026

PNP Chief Nartatez , iniutos ang maagang paghahanda para sa inaasahang pagsisimula ng tag-ulan

Inatasan ni Philippine National Police Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang lahat ng police units para sa maagang paghahanda para sa pagsisimula ng tag-ulan.

Ayon kay Nartatez, nakikipag-ugnayan na ang mga police unit sa mga lugar na prone sa baha at landslide sa mga local disaster council para sa pagpaplano ng preemptive evacuation, traffic management at rescue operations.

Nauna nang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring magsimula ang tag-ulan sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo habang patuloy na nagdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang iba’t ibang weather system sa ilang bahagi ng bansa.

Nagbigay naman ng paalala si Nartatez sa lahat ng mga commander na inspeksyunin ang mga rescue equipment, maghanda ng deployment teams at panatilihin ang kahandaan 24/7 para tumulong sa rescue ,evacuation at humanitarian operations.

Hinimok din ni Nartatez ang mga residenteng maaapektuhan na manatiling alerto at mag-monitor sa mga abiso ng PAGASA at mga lokal na awtoridad.

Facebook Comments