Tuesday, May 26, 2026

Hiling na TRO ni Sen. Bato dela Rosa, ibinasura dahil sa lack of merit —Korte Suprema

Lack of merit o kakulangan ng sapat na basehan.

Ito ang naging batayan ng Korte Suprema nang ibasura ang petisyon ng kampo ni Sen. Bato Dela Rosa para maglabas ng temporary restraining order o status quo ante order kaugnay sa pagpapatupad ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court.

Sa ruling ng SC na inilabas ngayong araw, nakasaad na walang malinaw at umiiral na karapatan si Dela Rosa na dapat protektahan ng korte.

Binanggit din sa ruling na nasa “protective custody” siya ng Senado kaya wala namang agarang banta ng pag-aresto.

Tinukoy pa ng Korte Suprema ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong May 13 na wala itong ibinibigay na direktiba para arestuhin si Dela Rosa.

Dahil dito, sinabi ng SC na tila haka-haka lamang ang umano’y paglabag sa kanyang mga karapatan havang nabigo ring patunayan ng kampo ng senador na may agarang panganib na mangangailangan ng TRO.

Binigyang-diin pa ng Kataas-taasang Hukuman na ang TRO at status quo ante order ay mga extraordinary remedy na dapat gamitin lamang kung may malinaw at matibay na basehan.

Iginiit din ng SC na may ng mga hindi beripikadong ulat at alegasyon ang isinumiteng petisyon ng kampo ni Dela Rosa kayat hindi maaaring maglabas ng TRO batay lamang sa mga haka-haka o ispekulasyon.

Facebook Comments