ILANG PANGASINENSE, NANINIWALANG HINDI NA MAALIS ANG VOTE BUYING TUWING ELEKSYON

Naniniwala ang ilang Pangasinense na hindi na maaalis ang vote buying tuwing eleksyon.

Ilan sa mga nakapanayam ng IFM Dagupan na Pangasinense, hindi na tatanggihan ng ilang botante ang oportunidad na makatanggap ng pera tuwing eleksyon dahil sa kahirapan na nararanasan.

Iginiit din ng ilan na walang botante na tatanggap ng pera kung walang kandidato ang may inisyatibong mamigay dahil lamang sa pagnanais na makatulong sa mga botanteng mahihirap.

Sa kabila nito, karamihan ay nagpahayag naman na nasa diskresyon pa rin ng mga botante kung sino ang pipiliing iboto nang hindi nakadepende sa halaga na ipinapamudmod ng mga kandidato. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments