Friday, May 15, 2026

Ilang progresibong grupo, mariing kinundina ang umano’y pagpapatakas kay Dela Rosa mula sa warrant of arrest ng ICC

Dismayado si Kilusang Mayo Uno Secretary General Mary Anne Castillo nang malaman na pinatakas umano si Senator Bato dela Rosa sa gusali ng Senado.

Ayon kay Castillo, mistulang tinulungan si Dela Rosa ng mga kapwa niya senador na kung titingnan umano ay dapat ding panagutin sa batas.

Samantala, mariin din itong kinundina ng Bagong Alyansang Makabayan dahil mistulang nagpapakita umano ito ng paglapastangan sa hustisya.

Ayon pa sa grupo, hindi lang senado ang kailangang panagutin sa nangyari kundi pati na ang kasalukuyang administrasyon dahil sa mabagal umano nitong aksyon para mapanagot si Dela Rosa sa reklamong kinakaharap sa International Criminal Court kaugnay ng extrajudicial killings.

Giit pa ng mga grupo, mistulang may prebilehiyo ang mga taong nakaupo sa pwesto dahil kapag ang mahihirap umano ang nagkasala ay agad na ikinukulong hindi katulad ng mga taong may kapangyarihan.

Facebook Comments