Wednesday, May 20, 2026

Pangulo ng Paraguay, darating sa Pilipinas sa May 11

Darating sa Pilipinas sa May 11 si Paraguay President Santiago Peña Palacios para sa isang official visit na inaasahang magpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Peña para sa pagbisitang ito, kung saan magkakaroon din sila ng bilateral meeting.

Pag-uusapan ng dalawang pangulo ang pagpapalawak ng kooperasyon sa kalakalan, pamumuhunan, at agrikultura, gayundin ang mga hakbang para sa mas matibay na ugnayang pang-ekonomiya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibisita sa Pilipinas ang isang pangulo ng Paraguay.

Kaugnay nito, umaasa ang pamahalaan na magsisilbing tulay ang pagbisita para higit pang mapalakas ang halos anim na dekadang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at Paraguay, at mapalawak ang partnership sa Latin America.

Facebook Comments