
Iginiit ng Malacañang na magiging patas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakiusap ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na huwag siyang ipadala sa The Hague.
Tugon ito ng Palasyo matapos magpasalamat ni Dela Rosa sa pahayag ng gobyerno na igagalang ang kanyang mga karapatan bilang akusado.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, walang pinipiling kulay ng pulitika ang pamahalaan sa pagbibigay ng legal na tulong at dapat unahin ang interes ng taumbayan.
Nauna nang kinumpirma ng International Criminal Court o ICC na naglabas ito ng arrest warrant laban kay Dela Rosa kaugnay ng mga pagpatay na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, humingi ng proteksyon si Dela Rosa kay Pangulong Marcos.










