Friday, May 15, 2026

Inter-agency operation, nakahanda sakaling makalabas ng bansa si Sen. Bato

Magpapatupad ng inter-agency collaboration ang pamahalaan na sakaling makalabas ng bansa si Senador Ronald dela Rosa.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, agad na kikilos sa ilalim ng isang inter-agency coordination ang NBI, Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ), at Philippine Center on Transnational Crime (PCTC).

Makikipag-ugnayan din aniya ang mga awtoridad sa Office of the President upang matiyak na naaayon sa batas at maayos ang pagpapatupad ng anumang hakbang ng pamahalaan.

Sa ngayon, hindi muna magsasagawa ng operasyon, kabilang ang posibleng manhunt, hangga’t wala pang opisyal na kumpirmasyon.

Gayunpaman, nakaalerto na ang mga kinauukulang ahensya habang hinihintay ang pinal na beripikasyon sa kinaroroonan ni Dela Rosa.

Facebook Comments