
Nagpasalamat si outgoing Secretary Rolando Toledo sa oportunidad na makapagtrabaho bilang kalihim ng Department of Budget and Management (DBM).
Kasunod ito ng pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay dating Budget Undersecretary Kim de Leon bilang bagong kalihim ng Kagawaran.
Sa isang pahayag, sinabi ni Toledo na inirerespeto niya ang desisyon ng Pangulong Marcos Jr.
Nagpaabot din siya ng suporta sa bagong DBM Secretary at nananatili raw ang kaniyang kumpiyansa na magpapatuloy ang pagiging transparent ng Kagawaran.
Itinalaga ni PBBM si Toledo noong Nobyembre ng nakaraang taon bilang kapalit ng nagbitiw na si dating Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Facebook Comments










