Imbestigasyon ng Kamara sa hoarding at pagmanipula sa presyo at suplay ng agricultural products, kasado na

Kasado na sa Martes, February 14 ang imbestigasyon ng House Committee on Agriculture and Food ukol sa hoarding at pagmanipula sa presyo at suplay ng mga produktong agrikultural tulad ng sibuyas.

Ayon kay Quezon Rep. Mark Enverga, na siyang chairman ng komite, open secret na ang kalakaran ng hoarding kaya hihingi sila ng listahan ng mga hoarder sa Department of Agriculture (DA) at iba pang sources ng mga mambabatas.

Sabi ni Enverga, posibleng imbitahan sa pagdinig ang mga matutukoy na traders.


Hinggil dito ay nagpasalamat naman si Enverga na binibigyan ni House Speaker Martin Romualdez ng malaking pansin ang problemang ito ngayon.

Facebook Comments