Saturday, August 8, 2026

NBI Dir. Melvin Matibag, hinamon si Ex-Cong Jing Paras kaugnay ng umano’y “honey trap” para kay Executive Sec. Ralph Recto

Hinamon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag si dating Negros Oriental Representative Jing Paras na itanggi nito kung hindi niya nakausap ang talent manager na si alyas “Ken”kaugnay ng umano’y “honey trap” o bugaw modus para kay Executive Secretary Ralph Recto .

Matatandaan na matapos na mahuli sa entrapment and rescue operations dahil sa pagbubugaw sa limang kababaihan si alyas “Ken” ay inihayag nya na si Paras ang nasa likod ng Character Assasination kay Recto at si Leviste naman ang nagpopondo umano rito .

Nabatid na pinasubpoena ng NBI ang nasabing dalawang indibidwal para sa imbestigasyon sa nasabing isyu ngunit hindi ito nakadalo noong Huwebes ngunit nakatakda muli silang ipatawag sa August 11 o sa darating na Martes.

Samantala, kinumpirma naman ni Matibag na may pagkakakilanlan na ang 4 na abogado na sangkot sa nasabing pagtatangkang gawan ng akusasyon si Recto.

Ayon kay Matibag, galing sa malalaking law offices ang mga nasabing abogado kung saan ang dalawa rito ay kilala na ring mga lawyers at ang dalawa ay mga bagong abogado.

Ayon pa sa Director ng NBI, pinapatawag na rin sa susunod na Biyernes ang mga nasabing abogado para sa imbestigasyon.

Facebook Comments