Thursday, August 6, 2026

Nasawi sa Bagyong Maymay, umabot na sa 6 —PNP

Umabot na sa 6 ang naiulat ng Philippine National Police (PNP) na nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Maymay sa bansa.

Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni PNP PIO Chief PCol. Allen Rae Co, 2 ang naitalang nasawi dulot ng landslide sa Rodriguez , Rizal, gayundin sa La Trinidad, Benguet na may dalawa ring nasawi dulot rin ng landslides.

Habang tag-iisa ang naiulat na nasawi sa La Union at Alaminos, Pangasinan dahil sa pagkakalunod.

Patuloy naman ang balidasyon ng mga awtoridad kung ang mga nasabing nasawi sa pagkalunod ay dahil sa bagyo.

Samantala, aabot naman sa 877 na mga pulis ang idineploy para sa pagresponde sa mga apektadong lugar , habang nasa higit 10 libo naman ang mga Reactionary Standby Support Force.

Aabot naman sa 55 ang mga evacuation centers at nasa higit 3 libong indibidwal ang nanatili sa mga evacuation centers.

Facebook Comments