Saturday, August 8, 2026

Mga nasa likod ng kalituhang idinulot ng “Maleta Boys”, pinatutugis sa mga awtoridad

Pinatutukoy ni Senator Ping Lacson sa mga awtoridad ang mga nasa likod ng “Maleta Boys” at kung sino ang promotor sa kalituhang idinulot ng mga ito sa mga nakalipas na buwan.

Kaugnay na rin ito ng pag-recant o pagbawi ng apat sa 18 mga dating tauhan ni Cong. Elizaldy Co sa kanilang pahayag na naghatid sila ng male-maletang kickback kay Pangulong Bongbong Marcos, dating House Speaker Martin Romualdez at sa iba pang government officials.

Giit ni Lacson, dapat na tugisin at papanagutin sa batas ang mga nasa likod ng gulo at kalituhan na nilikha ng mga maleta boys.

Umaasa ang senador na matutugis din ng mga awtoridad ang mga nasa likod nito at papanagutin sa batas.

Samantala, sinabi ni Lacson na mas nagdulot lamang ng maraming tanong ang pagbawi ng ilang dating security ni Co sa kanilang testimonya.

Idiniin ni Lacson na napakaraming pabago-bago pahayag ang maleta boys sa iba’t ibang for a ta cenues kaya hindi na tuloy malaman ng publiko kung alin sa kanila pang mga alegasyon ang dapat paniwalaan.

Facebook Comments