Friday, August 7, 2026

Employers at mga manggagawa, pumayag nang ipatupad ang P85 wage hike sa NCR; TRO na inilabas ng korte, hihilingin na alisin na

Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagkasundo na ang mga employer at mga grupo ng manggagawa na ipatupad ang P85 na minimum wage hike sa Metro Manila.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, ito ang napag-usapan sa pagpupulong ng mga employer at mga manggagawa kung saan ipapanawagan nila sa korte na alisin na ang ipinatupad na Temporary Restraining Order.

Sakaling alisin na ang TRO, ipapatupad na aniya ang wage order para sa mga manggagawa na unang naudlot dahil sa utos ng korte.

Samantala, nagpasalamat naman si Tolentino sa ibang mga employer na nauna nang nagpatupad ng wage hike kahit naglabas ng TRO ang korte.

Ayon naman kay Atty. Sonny Matula na kumatawan sa sektor ng manggagawa, iaakyat nila sa Korte Suprema ang isyu sakaling hindi alisin ng korte ang TRO.

Facebook Comments