
Umaapela si Akbayan Party-list Representative Dadah Kiram Ismula sa lahat na tigilan ang pagpapakalat ng mga mali at hindi beripikadong impormasyon kaugnay sa nangyaring pamamaril sa loob ng Ateneo de Zamboanga High School campus kahapon.
Sabi ni Ismula, ito ay bilang respeto sa pamilyang apektado ng trahedya at upang hindi makapagdulot ng higit na takot o pagka-alarma.
Bilang residente ng Zamboanga City, ay labis na ikinalungkot at ikinabahala ni Ismula ang insidente kaya agad siyang nagpa-abot ng pakikiramay sa mga estudyante, guro, staff ng unibersidad gayundin sa mga magulang at buong komunidad.
Diin ni Ismula ang mga paaralan ay dapat palaging ligtas para sa pagkatuto at paghubog ng pagkatao.
Tiniyak naman ni Ismula na handa ang Akbayan Party-list na magkaloob ng suporta sa anumang paraan na abot ng kanilang kakayahan.










