Monday, April 27, 2026

Pamunuan ng PCG, hindi kukunsintihin ang mga tauhan na mapapatunayang lumalabag sa batas

Nagbabala si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan sa mga tauhan nito na sisiguraduhin niyang mananagot sila sa batas kung masasangkot sa anumang uri ng krimen.

Ito’y kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang miyembro ng PCG sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa Cebu City at Davao City noong Abril 22 at 23.

Una nang ipinag-utos ni Gavan ang preventive suspension sa mga sangkot na personnel upang matiyak ang patas at mabilis na imbestigasyon.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nakikipagtulungan ang PCG sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement agencies sa isinasagawang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Binigyang-diin ng PCG na pananagutin ang sinumang lalabag sa batas at haharap sa kasong kriminal at administratibo.

Kabilang din dito ang posibleng pagtanggal sa serbisyo at pagkawala ng mga benepisyo kung mapatunayang nagkasala.

Facebook Comments