INABANDONANG KAMPO NG REBELDENG GRUPO, NATUNTON SA BAHAGI NG SAGADA

Cauayan City, Isabela- Nadiskubre ng mga awtoridad ang inabandonang kuta ng makakaliwang grupo kasama ang ilang gamit pandigma at pampasabog nitong miyerkules, Pebrero 23,2022 habang nagsasagawa ng internal security operation sa Mount Sipitan, Sagada, Mt. Province.

Ayon sa report, nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Mt. Province PPO, at Regional Intelligence Division ang isang (1) M14 Rifle; tatlumpu (30) na piraso ng Dynamite Stick; isang rolyo ng fuse; isang rolyo ng firing wire; at labindalawang (12) bala ng shot cartridge; at multi-connector.

Kabilang rin sa mga nakuha ang subersibong dokumento, ilan pang communication devices, medicine kits at mga personal na gamit.

Samantala, hinalughog naman ng mga operatiba ang kalapit na lugar ng kampo sa tulong ng Provincial EOD at Canine Unit (PECU) para sa posibleng makarekober pa ng mga explosive devices.

Facebook Comments