Tuesday, May 5, 2026

Operations center ng NDRRMC, itinaas na sa blue alert status para sa 2026 ASEAN Summit

Itinaas na sa blue alert status ang operations center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa 2026 ASEAN Summit.

Epektibo ang nasabing pagtataas ngayong araw ganap na alas-8 kaninang umaga at matatapos hanggang May 11 ng kaparehong oras.

Inatasan ang mga kinatawan mula Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) na mag-duty sa NDRRMC para matiyak ang matibay na koordinasyon.

Samantala, ang lahat naman ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (RDRRMOC) ay binigyan ng direktiba na imonitor at iulat ang lahat ng mga kaugnay na insidente sa nasabing aktibidad.

Facebook Comments