Monday, May 4, 2026

Gov’t-to-Gov’t oil procurement, muling iginiit ng isang senador

Hinikayat ni Senator Imee Marcos ang pamahalaan na agresibong isulong ang government-to-government (G2G) oil procurement kung saan ang gobyerno ay dapat na direktang bumili ng petrolyo sa iba pang mga supplier na bansa bukod sa Middle East.

Kasabay nito ay tinuligsa ni Sen. Marcos ang passive response o ang kabagalan sa pagtugon ng administrayon sa dalawang buwang krisis na idinulot ng gyera sa pagitan ng US-Israel at Iran.

Sinabi ni Marcos na dapat bumili ang gobyerno ng langis direkta sa mga supplier countries at ibenta ito sa mababang halaga upang mabigyang kaluwagan ang mga Pilipino lalo na ang mga sektor na lubhang apektado tulad ng mga transport workers, farmers at fisherfolk.

Pinagtataka ng senadora kung bakit wala pang G2G deal ang gobyerno sa Russia gayong ang isang private company na Petron ay nakapag-secure na ng 2.48 million barrels ng krudo.

Ipinunto pa ni Sen. Imee na ilang mga bansa sa Asya tulad ng Indonesia, Sri Lanka, Vietnam, Thailand at Malaysia ay agresibong kumikilos na para makabili ng krudo sa Russia at sa iba pang oil exporters.

Facebook Comments