Wednesday, April 29, 2026

Senado, may sapat na pondo para magsagawa ng impeachment trial

FILE PHOTO: Senate convenes impeachment court on Tuesday, June 10, 2025 led by Senate President Chiz Escudero

Handa at may sapat na pondo ang Senado para sa posibleng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senate President pro-tempore Ping Lacson, Chairman ng Senate Committee on Accounts, nasa P500,000 lang ang nagastos noong nakaraang taon sa P27 million na pondo sa ilalim ng 2025 national budget nang iakyat ng Kamara ang articles of impeachment laban kay Duterte.

At dahil maaaring gastusin ang pondo sa loob ng dalawang taon sa ilalim ng “continuing appropriations”, “able and ready” aniya ang Mataas na Kapulungan para magsagawa ng paglilitis oras na isumite ng mababang kapulungan ng Kongreso ang impeachment case.

Matatandaang sinabi ni Lacson na naghahanda na rin sa posibleng impeachment trial ang mga senador kung saan sumailalim sila sa mga briefing kaugnay ng mga legal matters para matiyak na nasusunod ang tamang proseso ng paglilitis.

Muli ring iginiit ng mambabatas na tanging ebidensya lamang ang kanilang magiging batayan sa anumang magiging desisyon kung matuloy man ang impeachment trial.

Facebook Comments