
Naghain ng resolusyon sa kamara ang mga representante ng Makabayan Bloc at Gabriela Women’s Party, kasama ang mga manggagawa ng Kowloon House West Chapter, para imbestigahan ang mass termination at biglaang pagsasara ng nasabing negosyo.
Ito ay kahit pa may nilagdaan ng Memorandum of Agreement (MOA) dati ang management at union, matapos ang matagumpay na welga ng mga mangagagawa noong April 20.
Layon ng House Resolution No. 974 na mabigyang diin at protektahan ang kalagayan ng nasabing mga mangagagwa, hindi lamang sa Kowloon kundi sa buong bansa.
Maliban dito, layon rin ng resolusyon na subukan ang papel ng mga awtoridad sa pagsisigurong nirerespeto at ipinapatupad nito ang mga kasunduan sa pagitan ng mga manggagawa at management.
Samantala, mariin namang iginiit ni House Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party Representative Sarah Elago na ipinagbabawal umano sa batas ang anumang uri ng retaliatory action laban sa mga manggagawang nagsasagawa ng lehitimong pag-oorganisa at kolektibong pagkilos.










