
Inilunsad muli ng pamahalaang lungsod ng Dagupan ang programang Aquax Dagupan bilang bahagi ng selebrasyon ng tag-init, na ginaganap sa Bonuan Tondaligan Ferdinand Blue Beach.
Tuwing sabado at linggo lamang bukas ang aquax dagupan, kung saan maaaring maranasan ng mga kalahok ang iba’t ibang water attractions tulad ng banana boat, ufo ride, at hurricane ride.
Libre ang pagsali sa mga aktibidad na ito, kaya inaasahang mas maraming pamilya at magkakaibigan ang dadagsa sa nasabing dalampasigan.
Pinangungunahan ang programa ng dagupan city sports commission, katuwang ang city disaster risk reduction and management office, city health office, at city tourism office.
Tiniyak ng mga ahensya na may sapat na safety measures at maayos na organisasyon upang masiguro ang kaligtasan at kasiyahan ng lahat ng lalahok.
Inaasahan na magpapatuloy ang aquax dagupan sa buong panahon ng tag-init bilang isa sa mga pangunahing atraksyon sa lungsod.
Layunin ng programa na magbigay ng libreng water sports activities para sa mga residente at turista ngayong summer season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










