Incoming DND Officer-in-Charge Jose Faustino, nagpositibo sa COVID-19

70

Nagpositibo ang susunod na Officer-in-Charge ng Department of National Defense (DND) na si Jose Faustino Jr. sa COVID-19.

Sa pahayag ng DND, asymptomatic si Faustino at kasalukuyang naka-isolate habang nagsasagawa ng contract tracing sa mga nasalamuha nito.

Si Faustino ay fully vaccinated at nakatanggap na rin ng booster shot.


Bukas, araw ng Biyernes, gaganapin ang transition ceremony ng DND, na dadaluhan ni Faustino online.

Uupo ito bilang kalihim ng kagawaran sa ika-13 ng Nobyembre 2022 alinsunod sa one-year ban appointment ng retired military officers sa ilalim ng Republic Act 6975.

Nagsilbing Chief-of-Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Faustino sa termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at naitalaga kamakailan na DND-OIC.



Facebook Comments