DA officials na sangkot umano sa agri smuggling, iniimbestigahan na

111

Gumulong na ang imbestigasyon ng Department of Agriculture (DA) sa mga opisyal nito na umano’y protektor at smuggler ng agricultural products sa bansa.

Binigyang-diin ng ahensya na ‘administrative purpose’ ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Ayon sa DA, may pagkakatugma ang listahan na inilabas ng Department of Agriculture (DA) sa mga opisyal na kanilang iniimbestigahan.


Giit naman ni DA Secretary William Dar na wala siyang kaugnayan sa mga opisyal na ito.

Dagdag pa ni Dar, hahayaan nila ang Office of the Ombudsman o Presidential Anti-Corruption Commission na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa mga dawit na opisyal.

Sa ngayon ay hindi pa natatanggal sa posisyon ang mga pinangalanang opisyal.



Facebook Comments