
Tiniyak ni Energy Usec. Rowena Guevara na walang inaasahang yellow alert sa supply ng kuryente sa bansa sa papasok na buwan ng Mayo.
Gayunman, aminado si Guevarra na hindi pa nila matantsa ang mga planta ng kuryente.
Karaniwan aniya kasing nagkaka-aberya ang mga planta kapag sobrang mainit ang panahon.
Una nang ininspeksyon ng mga opisyal ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission ang major power facilities sa Batangas.
Kasunod ito ng deklarasyon ng Yellow Alert s Luzon Grid nitong April 16 , 2026 matapos na mag-offline ang ilang generating units ng mga planta ng kuryente.
Facebook Comments










