Labimpitong Indigenous Peoples (IPs) mula sa Sual, Pangasinan ang pormal na nabigyan ng kanilang birth certificates matapos ang isinagawang serye ng mobile registration sa magkakaibang buwan sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng Philippine Statistics Authority.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga IP sa bayan na matagal nang walang opisyal na birth records.
Ayon sa ulat, sa pamamagitan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), iproseso ang kanilang mga dokumento para hindi na maging limitado ang kanilang access sa ilang serbisyong pampubliko.
Sa ilalim nito, maari nang makapag-enroll sa paaralan, makapaghanap ng trabaho at makakuha ng tulong mula sa gobyerno ang mga benepisyaryo.
Samantala, pinaandar naman ng Local Civil Registry Office (LCRO) ng Sual at Philippine Statistics Authority (PSA) Pangasinan ang pagproproseso ng National ID registration upang magkaroon ng valid ID ang mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








