SEARCH AND RESCUE TRAINING FACILITY PARA SA DISASTER RESILIENCE NG PANGASINAN, ITATAYO SA BURGOS

Itatayo sa Brgy. San Vicente, Burgos, ang isang Collapsed Structure Search and Rescue Training Facility upang mas paigtingin ang kahandaan ng probinsya sa emergency response.

Ayon kay Vice Governor Mark Lambino, ang pasilidad ay magsisilbing training hub para sa local responders, volunteers at personnels para sa masigasig na rescue operations na magpapabuti sa kakayahang rumesponde sa mga kalamidad.

Ang proyekto ay pinondohan din mula sa DRRM fund ng lalawigan sa pangunguna ng Pangasinan PDRRMO.

Positibo ang Pamahalaang Panlalawigan sa epektong dulot ng pasilidad upang mapaigi pa ang kahandaan at katatagan ng probinsya sa mga kalamidad.

Noong Marso, matatandaang pumasok sa isang kasunduan ang Pangasinan at United Nations Development Program para sa implementasyon ng SHIELD (Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change) Program na naglalayong pagtibayin ang science-to-practice methods para sa kahandaan ng mga lokal na komunidad sa mga sakuna at climate change.
| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments