
Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) ang pagre-resign ni dating Congressman Michael Romero bilang reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng nagpapatuloy na pagre-review at imbestigasyon kaugnay ng isyu nito sa kanyang badges at medalya.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Christina Basco, epektibo ang pagre-resign ng nasabing dating congressman kahapon, August 19.
Ayon kay Basco, kinilala ng PAF ang pahayag ni Romero na nagsasabi na siya ay nagpapasalamat sa tiwala, pagkakaibigan, at oportunidad habang ito ay nasa serbisyo.
Kaugnay nito, patuloy naman ang pagre-review at pagbeberipika ng AFP sa lahat ng kaugnay nag records para matiyak ang estriktong pagsunod sa kanilang umiiral na polisiya at regulasyon.
Nakasaad din sa pahayag ng kanyang kampo na nirerespeto nito ang pagre-review ng kanyang records at ang lahat ng medalya, decorations, badges at distinctions na ibinigay umano sa kanya ay makikita sa opisyal na records ng AFP.










