
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa mga papasok at hindi bukas, August 21 na idineklarang holiday dahil sa Ninoy Aquino Day.
Ayon sa DOLE, “no work, no way” bukas para sa mga aabsent maliban kung may umiiral na collective bargaining agreement.
Para naman sa papasok sa trabaho, 30% ang dagdag sa basic wage para sa unang walong oras.
Habang sakaling lalagpas sa walong oras ang trabaho ay may dagdag ding 30% kada oras.
Samantala, 50% naman ang dagdag sa sasahurin sa unang walong oras sa naturang araw kung nataon ito na rest day pero pumasok pa rin ang empleyado.
Facebook Comments










