
Mahigit isang milyong pamilyang Pilipino ang nadagdag sa mga nagsasabing ikinokonsidera nila ang sarili bilang mahirap.
Ito ang lumabas sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research kung saan tumaas ng sa 39% ang self-rated poverty sa bansa mula sa 35% noong March 2026.
Katumbas ito ng 10.3 million na pamilya na naitala nitong July mula sa 9.2 million noong Marso.
Samantala, umakyat din sa 5.6 million pamilya ang nagsabing nakaranas sila ng gutom mula sa 4.5 million pamilya sa kaparehong panahon.
Karamihan sa mga pamilyang nakaranas ng gutom ang nagsabing naranasan nila ito sa loob lamang ng ilang beses at hindi rin madalas.
Habang naitala naman sa 7.4 million na pamilya nitong July ang nagsabing kinulang sila sa pagkain na mas mababa kumpara sa 8.1 million pamilya noong March.
Ayon sa OCTA, Mindanao pa rin ang may pinakamaraming nagsabi na mahirap sila pero Balance Luzon naman ang may pinakamataas na bilang ng mga nakaranas sila ng gutom.
Isinagawa ang survey nitong July 4 hanggang July 11 sa 1,200 respondents edad 18 pataas sa pamamagitan ng face-to-face interviews at may ±3% margin of error sa 95% confidence level.










