DOTr, hinimok ang local manufacturers na sumali sa PUV Modernization Program

Hinikayat ng pamahalaan ang mga local manufacturer na makiisa sa modernization program ng mga pampublikong transportasyon.

Inimbitahan ni Department of Transportation (DOTr) Usec. Timothy Batan ang local manufacturers na gumawa ng mga disenyo para sa PUV modernization.

Aniya pa, mayroong kaakibat na tinatawag na Philippine National Standards ang programa.


Kung kaya aniyang gumawa ng modelo ng local manufacturers batay sa minimum requirements ay maaari silang maglabas ng units.

Ayon sa opisyal, malaya naman ang consolidated operators na pumili ng bibilhing units.

Naniniwala rin si Batan na tatanggkilin ng mga operator ang gawa ng local manufacturers lalo na kung mas mura ang ilalabas na units ng mga ito.

Facebook Comments