Saturday, August 8, 2026

Kaligtasan ng mga residente, patuloy na binabantayan ng munisipalidad ng Taytay, Rizal dahil sa sama ng panahon dulot ng Bagyong Maymay at hanging habagat

Patuloy na mino-monitor ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa Rizal ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan na naapektuhan ng pag-ulan at pagtaas ng tubig dulot ng bagyong maymay at hanging habagat.

As of 1pm ngayong Sabado, August 8, 3 evacuation center umano ang bukas na napapakinabangan ng 70 pamilya o katumbas ng 240 katao; habang wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa nasabing munisipalidad, base sa datos na inilabas ng Taytay Public Information Office.

Kabilang sa mga evacuation na bukas ay ang Hapay na Mangga Elementary School, Muzon Covered Court, at Bagong Pag-Asa Elementary School.

Samantala, patuloy naman umabong mino-monitor ng MDRRMO at iba pang concerned offices ang sitwasyon sa bawat lugar, habang nakahanda naman umano silang tumugon sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Panawagan ng munisipalidad sa kanilang mga residente, agad nang lumikas hangga’t hindi pa malala ang sitwasyon, lalo na sa kabahayan na mau mga bata, senior citizens, buntis, PWDs, at mga may karamdaman.

Facebook Comments