Thursday, August 6, 2026

Pormal na request ng US sa extradition ni Pastor Apollo Quiboloy, wala pa sa DOJ

Wala pang natatanggap na opisyal an dokumento ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa umano’y hiling ng Estados Unidos na i-extradite si Pastor Apollo Quiboloy.

Paglilinaw ito ng kagawaran matapos lumabas ang ulat na pormal nang hiniling ng US na dalhin sa kanila si Quiboloy na nahaharap sa patung-patong na kaso gaya ng Sex Trafficking, Fraud at Money Laundering.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, sa ilalim ng batas at Philippine–U.S. Extradition Treaty, ang Department of Foreign Affairs ang unang kakausapin sa ganitong hiling.

Dahil dito, ipinauubaya na muna nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang iba pang mga detalye kaugnay dito.

Facebook Comments