
Sa interjection ni Senator-judge Robin Padilla, kinuwestiyon nito si Commission on Audit (COA) Auditor Roderick Wamil kung naniniwala ba siyang dapat na magpakilala o sabihin ang totoong pangalan ng isang confidential agent.
Tugon ni Wamil, walang nasasaad sa probisyon ng Joint Circular 2015-01 na dapat ilagay ang totoong pangalan ng isang agent na tumanggap ng confidential fund.
Kung matatandaan, sa disbursement ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP), lahat ng mga nakalagdang payees ay hinihinalang gumamit ng alias o hindi totoong pangalan tulad ng Mary Grace Piattos, Nova Santos, Andy Lim, at iba pang pangalan.
Tinanong din ni Padilla kung ano ang pagkakaunawa ni Wamil sa salitang “confidential” at sagot ng COA auditor ang confidential ay classified o secreta data.
Bago ito ay inusisa rin ni Padilla si Wamil kung nakita na ba nito ang pangangailangan ng mga nasa malalayong lugar para sa pagkain at gamot at kung na-expose na ito sa mga banta ng terorismo sa bansa.










