
Biniyang-diin ni House Lead Prosecutor at Batangas Representative Gerville Luistro na higit ngayong napatibay ang mekanismo ng pananagutan na itinatakda ng Saligang Batas.
Sinabi ito ni Luistro kasunod ng pagbasura ng Supreme Court sa petisyon nina Vice President Sara Duterte laban sa impeachment proceedings na isinagawa ng House Committee on Justice.
Diin ni Luistro, ang pasya ng Kataas-taasang Hukuman ay nagpalakas sa pundamental na prinsipyo na walang lingkod bayan, kahit pa ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ang nakatataas sa pananagutan.
Ayon kay Luistro, ang desisyon ng High Tribunal ay pagkumpirma na maaring magpatuloy ang proseso ng paghuhukom at paghingi ng hustisya ng mamamayan.
Bunsod nito ay iginiit ni Luistro na dapat igalang ang Konstitusyon, itaguyod ang rule of law at hayaang gampanan ng impeachment court ang kanilang mandato ng may buong kalayaan, patas at walang kinikilingan.










