Saturday, August 8, 2026

House prosecution panel, iginiit na walang pagbaluktot ng batas sa nangyayaring impeachment trial

Hindi maintindihan ng House prosecution panel kung nasaan ang sinasabi ni Vice President Sara Duterte na pagbaluktot sa batas sa ginagawang impeachment trial.

Diin ni House trial spokesperson Renee Co ng Kabataan Party-list, batay sa impeachment trial, napakalinaw na ang pagbaluktot ng batas ay nangyari sa maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa panahong kalihim nito si VP Duterte.

Giit ni Co, ang lahat ay naka-anbatay sa magiging paliwanag ng defense team ni VP Sara hinggil sa findings ng Comission on Audit na nagkaroon ng iregularidad sa paggamit at liquidation ng confidential funds ng OVP at DepEd.

Ayon kay Co, napakalinaw ng lumabas sa impeachment trial na ginastos ng OVP at Deped sa hindi dapat ang confidential funds at hindi ito nasuportahan ng mga kaukulang dokumento katulad ng resibo.

Nakakabahala naman para kay prosecution Legal Spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. ang mga pahayag ni VP Sara na “bending the law” at magulo ang impeachment proceedings at may

Sabi ni Tolosa, ang naturang mga pahayag ng bise presidente ay maaring maghatid ng pagdududa sa integridad ng paglilitis na isang constitutional process gayundin sa Senate Impeachment Court.

Facebook Comments