
Mamamahagi ng Emergency Go Bags sa 45,000 kabahayan ang pamahalaang lungsod ng San Juan sa susunod na linggo, bilang paghahanda sa mga kalamidad, sakuna, at emergency.
Sa anunsyo ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa kaniyang Facebook page, naglalaman umano ang bawat Go Bag ng Safety helmet o hard hat, First Aid Kit, Rechargeable Flashlight, Power Bank, Raincoat, at Thermal Blanket.
Kabilang din sa laman ng Go Bag ay ang KN95 Masks, Alcohol, Emergency Handbook, at marami pang iba.
Samantala, ipapamahagi naman nag nasabing Go Bag sa apat na phase, kung saan ikakasa ang unang tatlong phase ngayong taon at sa susunod na taon naman ang matitirang isang phase, hanggang sa mabigyan ng Go Bag ang lahat ng kabahayan sa lungsod.
Samantala, iaanunsyo naman umano ang schedule ng pamamahagi ng iba pang phase sa mga susunod na araw.










