Sa gitna ng hirap ng buhay, muling napatunayan na buhay na buhay ang katapatan sa puso ng ating mga kabataang Pangasinense!
Isang 13-anyos na estudyante mula sa bayan ng Bani, Pangasinan ang viral ngayon matapos niyang isauli ang isang pouch na naglalaman ng 79,000 pesos.
Siya ay si Velie Ordanez Castil, isang mag-aaral ng Bani East Integrated School at residente ng Brgy. Banog Norte.
Natagpuan ni Velie ang isang brown floral pouch bandang ala-una kwarenta ng hapon nitong Abril 29, 2026, sa loob ng palikuran ng isang gasoline station sa Brgy. Poblacion.
Sa halip na mabulag sa laki ng halaga, hindi nag-atubili ang bata na dalhin ito sa himpilan ng pulisya. Bukod sa makapal na pera, naglalaman din ang pouch ng mga gamit at ID na nakapangalan sa may-ari na si Lilian A. Dela Cruz.
Ang aksyong ito ni Velie ay nagsisilbing paalala na ang tunay na yaman ay nasa mabuting asal at hindi sa materyal na bagay.
Sang-ayon din ang mga netizens, na patunay na hindi nasusukat sa edad ang pagiging responsable at pagkakaroon ng malasakit sa kapwa.
Tunay ngang isang “Idol! “si Velie na dapat tularan nating lahat! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










