Inaresto ng mga tauhan ng Bayambang Municipal Police Station ang isang babae sa bisa ng isang warrant of arrest kaugnay ng kasong may kinalaman sa cybercrime.
Batay sa ulat, nahaharap ang akusado sa kasong Unjust Vexation in relation to Violation of Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Itinakda ang piyansa sa halagang P12,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ayon sa pulisya, maayos na ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa oras ng pag-aresto, at ang buong operasyon ay naitala gamit ang body-worn camera bilang bahagi ng transparency at pagsunod sa tamang proseso.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa Bayambang District Hospital para sa pisikal na eksaminasyon bago isinailalim sa booking at iba pang kaukulang proseso sa himpilan ng pulisya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








