Isa pang pulis, nasawi dahil sa COVID-19

24

May isa pang pulis ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 dahilan para umakyat na sa 126 ang total deaths sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa ulat ng PNP Health Service ngayong Miyerkules, January 19, 2022, ang namatay ay isang 38 anyos na Police Staff Sergeant na nakatalaga sa Jaen Municipal Police Station sa Nueva Ecija.

Sumailalim ito sa RT-PCR test nitong January 13 pero nasawi rin kinabukasan sa Nueva Ecija Medical Center.


Napag-alaman na nakumpleto na ng pulis ang bakuna kontra Coronavirus.

Samantala, sa ngayon nakapagtala ng 323 new cases at 503 new recoveries ng COVID-19 sa PNP.

Umabot na rin sa 46,291 ang total confirmed cases ng coronavirus sa PNP, kung saan 3,615 ang active cases.



Facebook Comments