Isa Pang Suspek na Sangkot sa Pagpatay kay Fr. Mark Ventura, Inilabas Na!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Inilabas na ng Police Regional Office 2 ang isa pa sa mga suspek na pumatay sa isang Pari noong April 29, 2018 sa barangay Peṅa Weste, Gattaran, Cagayan.

Ayon kay Provincial Director PSSUPT Warren Tolito ng PNP Cagayan na batay sa ipinalabas ng PRO2 na carthographic sketch ng suspek, ito ay nasa edad trenta hanggang trentay singko anyos, nasa lima at dalawang pulgada ang taas at nasa mahigit limampu’t dalawa ang bigat nito.

Ito ay huling nakita matapos ang pamamaslang sa pari na nakasuot ng asul na jacket at brown na shorts at nagsilbing drayber ng mga gunman.


Patuloy naman umano ang pagbibigay ng pabuya ang PNP at pamilya ng biktima ng tatlong daang libong pisong (300,000.00) sa mga makakapagturo sa mga suspek na pumaslang kay Father Mark Ventura.

Samantala, muli nanamang nanawagan si PRO2 Regional Director PCSUPT Jose Mario M. Espino sa lahat na makipagtulungan sa kanilang himpilan para sa agarang pagkahuli ng mga suspek.

Facebook Comments