Monday, April 20, 2026

48 dayuhan at Pinoy na sangkot sa online scam hub sa Parañaque City, arestado ng NBI

Arestado ang 48 indibidwal sa isinagawang operasyon ng NBI-Special Action Unit (SAU) laban sa isang online scam hub sa Parañaque City nitong April 17, 2026.

Kabilang sa mga naaresto ang 41 babaeng Pilipino at 7 mga dayuhan na nagpapatakbo sa scam hub.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), karamihan sa mga nabibiktima ng grupo ay mga dayuhan at may ilan ding mga Pilipino.

Kabilang sa modus ng grupo ang “love scam,” “pig butchering,” at cryptocurrency investment fraud gamit ang scripted na panlilinlang at pekeng pagkakakilanlan.

Isinailalim na ang mga suspek sa inquest proceedings sa kasong paglabag sa Section 4(b)(2) ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at Republic Act No. 12010 (AFASA Law).

Facebook Comments