PAGGAMIT NG BASKETBALL COURT AT IBA PANG PAGTITIPON TUWING GABI SA BRGY. HERRERO-PEREZ, DAGUPAN CITY, PINAGBAWAL AYON SA DIREKTIBA NG DILG

Ipinatupad ng Sangguniang Barangay ng Herrero-Perez ang pansamantalang pagsuspinde sa barangay fiesta, SK Basketball Tournament at paggamit ng basketball court tuwing gabi para makatipid ng kuryente.

Ito ay alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) memorandum at Executive Order ng Dagupan City na nag-uutos ng energy conservation measures sa gitna ng kasalukuyang krisis sa suplay ng enerhiya.

Ayon sa ipinasang resolusyon, ang malalaking pagtitipon sa gabi ay pansamantalang ipinagbabawal kabilang ang paggamit ng basketball court mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

Nakasaad din na ang suspensyon ay mananatili hanggang sa ideklara ng national government ang pagtatapos ng state of energy emergency sa bansa.

Kaugnay nito, nanawagan ang barangay sa mga residente ng pakikiisa sa ipinatutupad na polisiya para mapanatili ang sapat na suplay ng enerhiya sa barangay.

Facebook Comments