Isinagawa ng mga tauhan ng pulisya ang isang Road Clearing Operation nitong Lunes sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Poblacion Sur, Sta. Barbara, Pangasinan.
Layunin ng operasyon na tiyakin ang maayos at malayang daloy ng trapiko, gayundin ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian na dumaraan sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, bahagi ang gawaing ito ng patuloy na pagsisikap ng himpilan ng pulisya na mapanatili ang kaayusan sa lansangan at masiguro ang ligtas at maayos na paggamit ng kalsada para sa buong komunidad.
Patuloy namang hinihikayat ng kapulisan ang pakikipagtulungan ng publiko upang mapanatili ang disiplina sa kalsada at maiwasan ang anumang sagabal na maaaring magdulot ng aksidente.
Facebook Comments










