₱346.12MILYON, NAITALANG PAGKALUGI SA AGRIKULTURA SA ILOCOS REGION DAHIL SAA EL NIÑO

Patuloy na nararanasan ang napakalakas na El Niño sa Tropical Pacific, na inaasahangmagpapatuloy hanggang sa unang kalahati ng 2027 at posibleng maabot ang pinakamataas na antas bago matapos angtaong 2026.

Batay sa pinakahuling monitoring update ng Department of Science and Technology–Philippine Atmospheric,Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) noong Nobyembre 4, 2026, nananatilingnapakalakas ang El Niño phenomenon na maaaring magdulot ng matinding epekto sa sektor ng agrikultura.

Samantala, batay sa datos noong Nobyembre 20, 2026, nananatiling pangkalahatang matatag ang lebel ng tubig sa mgapangunahing dam sa bansa.

Naitala naman sa San Roque Dam ang water level na 279.62 meters above sea level (masl),na mas mababa nang 0.38 metro sa normal high water level nitong 280 masl.

Sa kabila nito, malaki na ang pinsalang naidulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa Ilocos Region.

Batay sa pinakahuling tala, umabot na sa 12,595 magsasaka ang apektado, habang tinatayang 5,694 ektarya ng lupangsakahan ang napinsala.

Tinatayang nasa ₱346.12 milyon naman ang kabuuang halaga ng pinsala at pagkalugi saagrikultura sa rehiyon.

Ayon sa Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DA-DRRM OpCen),patuloy nitong susubaybayan ang sitwasyon at magbibigay ng mga karagdagang update hinggil sa epekto ng El Niño sa Ilocos Region.

Patuloy namang hinihikayat ang mga kinauukulang sektor na manatiling mapagmatyag at maghanda sa posiblengpangmatagalang epekto ng El Niño, partikular sa suplay ng tubig at produksyon ng pagkain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments