Cauayan City, Isabela- Malaki ang pasasalamat ni Governor Rodito Albano III sa Kagawaran ng Pagsasaka dahil sa mga tulong na dala ng kagawaran sa mga magsasaka sa Lalawigan ng Isabela.
Ito’y matapos na ilunsad sa Lalawigan ang Rice Competetiveness Enhancement Fund (RCEF) program ng Department of Agriculture bilanag bahagi ng pagpapatupad sa Rice Tariffication Law (RTL).
Sa ilalim ng nasabing programa, bibigyan ng abono, binhi, farm equipments at tulong pinansyal ang mga magsasaka na nagkakahalaga ng Php.15,000 bilang pautang sa mga small famers na babayaran sa loob ng walong (8) taon ng walang interes.
Dagdag dito, nakatakdang magtungo sa bayan ng Cabagan, Isabela si Sec Dar upang pangunahan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga miyembro ng kooperatiba ng mga magsasaka na binuo sa probinsya na makikinabang sa naturang batas.