Isang bakasyunista, arestado matapos mahulihan ng baril sa Caticlan, Jeteport Aklan

322

Aklan – Arestado ang isang bakasyunista matapos mahulihan ng baril sa Caticlan, Jeteport Malay, Aklan kahapon.

Ang suspek ay nakilala na si Sergio Rodriguez, singkwenta anyos ng baranggay Indag-An, Miag-Ao, Iloilo.

Nalaman na may dalang baril si Rodriguez matapos na dumaan sa x-ray machine ang bag nito at nakita ng operator.


Matapos na kunin ang bag ay agad na sinita ito ng mga guwardya at police na naka-duty sa lugar.

Pinabuksan ang bag at nakita ang 22 caliber rebolber na loaded ng limang bala at mayron pang walo na reserba.

Agad na dinala sa Malay PNP ang suspek dahil sa wala itong maipakita na dokumento para sa legalidad ng baril at mga bala.



Samantala, mahaharap sa kasong paglabag sa illegal possession of fire arms and ammunition si Rodriguez.

Facebook Comments